Travelers Guide
Thursday, November 8, 2012
DESTINY
Destiny teka anu ba ito? Anu ba ang ibig sabihin nito, ayon sa online
dictionary Destiny is a predetermined course of events considered as
something beyond human power or control. Ito raw ay ang mga kurso ng mga
kaganapan sa ating buhay na wala sa kakayahan ng tao ang control upang
maganap ito. Destiny malimit nating mapakingan ito lalo na sa isang
pag-ibig o sa buhay pag-aasawa, lagi ko nga ito napapakingan nung bata
pa ako lalo na sa mga kababaihan na nahanap na raw nila ang kanilang
destiny naisip ko tuloy bakit mas marami akong nakikitang sira ang
pamilya magkahiwalay ang mga magulang, hindi ba destiny sila? Sabi ng
mga nakausap kong matatanda na ang buhay pag aasawa raw ay masarap lang
sa umpisa pero pag lipas ng ilang taon para lang kayong magkaibigan
nalang, pero bakit naman merong tayong napapanuod sa T.V na matatanda na
pero sobra kung magmahalan. Hindi ko masagot, pero nung may nakausap
ako hindi ko nalang babangitin ang tunay nyang pangalan, natagpuan na
raw nya ang destiny nya pero sa huli nagkahiwalay sila. Bigla ako natawa
sabi ko kala ko ba destiny pero bakit hindi happy ending? Eto ang story
nya? Merong GF yung kaibigan ko nang may nakilala syang isang babae na
hindi inaasahang magiging malaking parte ng kanyang buhay, yung babae ay
may kasintahan ding mula pa nung silay mga bata pa, sa hindi
maipaliwanag na pagkakataon iniwan nila ang kani kanilang mga kasintahan
at nagging sila ng mahabang panahon na umabot ng anim na taon mahigit,
ilang beses na nilang pinilit na magpakasal ngunit tutol sa lalake ang
magulang na babae ng kanyang kasintahan, dahil siguro sa bukod na mas
matanda ng walong taon ang lalake eh engineer ang dating boyfriend ng
babae at kinuwento rin ng babae sa magulang nya ang pagiging pilyo ng
kaibigan ko, dahil hindi naman ipinagkaila ng kaibigan ko kung anu ang
pagkatao nya dahil ganun nalang daw ang pag mamahal nya. Ayon sa aking
kaibigan ilang beses na rin daw nilang ginawa ang mga bagay para lang
magka anak na sila, sabi nya iba raw talaga pag natagpuan mo na ang
totoo mong minamahal o yung destiny nga, wala raw katapusan ang
kaligayahan na kasama mo sya, kahit tumanda na raw hindi magbabago.
Ilang beses ng nagpaalam sila para magpakasal sa magulang ng babae
ngunit tutol ng malaki ang nanay ng kanyang kasintahan, dahil saw ala
naman talagang pera ang kaibigan ko. Naikwento nga niya sa akin ng nag
paalam daw sila para magpakasal natanong daw ng magulang ng babae kung
anu raw ang papakain ng kaibigan ko sa kanyang anak at san daw sila
titira hindi raw kawawa lang ang naka nya sa kaibigan ko? Naawa tuloy
ako sa kaibigan ko kasi malayo talaga ang stado ng kanyang buhay sa
dating kasintahan ng babae na engineer, pero di mo pwede maliitin ang
kaibigan kong yun malaki at mataas ang pangarap nya sobra ang sipag at
madiskarte sa buhay ng kaibgan kong yun. Ng makausap ko ang kaibigan ko
na pagplanuhan na nila ang kanilang kasal sabi nya sa petyang april
2008, December ng 2007 ng mga panahon yun, sa hindi inaasahang
pagkakataon na may masamang balita ang natangap ng kaibigan kong ito
nang malaman nyang nakabuntis nya ang dati nyang kasintahan, halos
bumagsak daw ang mundo nya lalo ng ng babae na minahal nya ng buong
buhay, nasabi ko nga teka niloloko mo ba ako nagalit pa nga ako sa kanya
at natanong sya ng ganito. “minahal mo ng buong buhay pero bakit ka
naka buntis ng iba”? Hindi nya ako masagot habang nakikita ko ang pag
tulo sa kanyang mata. Naawa ako sa kaibigan ko pero hindi ko maubos
maisip bakit sya nakabuntis ng iba ganung kitang kita ko naman ang pag
mamahal nya sa kanyang kasintahan. Hindi sila sumuko at sandaling
nagpaalam ang kaibigan ko na aasikasuhin lang ang babaeng nabuntis nya
hangang makapanganak dahil mabuting tao ang kaibigan ko nakita ko ang
hirap nya habang inaalagaan ang babaeng nabuntis nya kahit mabigat sa
kalooban nya nakita ko at bilib ako sa kaibigan ko dahil sya ang
nagluluto ng almusal at hapunan ng nabuntis nyang babae sa loob ng siyam
na buwan. Araw araw umiiyak ang kaibigan ko, pero wala akong narinig sa
kanya na ayaw na nya. Pag lipas ng siyam na buwan pag labas ng anak nya
nakita ko ang sya sa mata ng kaibgan ko, dahil kamuka nya ang kanyang
anak. Pagkatapos ng panahong yun nabalitaan ko na binalikan nya ang
kanyang destiny at laking tuwa ko dahil ipinaglaban nila ang kanilang
pagmamahalan bilib ako sa babaeng yun dahil ginawa nyang mag intay sa
kaibigan ko, sabi ko parang pelikula lang ang pangyayaring ito ah. Ayon
sa kaibigan ko pinilit nilang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan kahit
may anak na sya, pero mahirap ang mga sumunod na pinag daanan nila dahil
nabalitaan nyang binugbog ang kanyang kasintahan ng magulang na babae
ng malamang nakipag kita pa ito sa kaibigan ko, sabi ko malamang kasi
nuong maayos pa sila galit na galit na talaga ang magulang na babae ng
kanyang kasintahan sa kaibigan ko. Dun sila nawalan ng pansamantalang
communication. Kilala ko ang kaibigan ko mabait sya may prinisipyo pero
alam kong may kapilyuhan nga sya sa babae, pero isa lang ang pagkaka
kilala ko sa kanya palaging nakangiti at simpeng tao lang, makikita mo
ang malaking pagbabago sa kanyang buhay mula ng makilala nya ang
sinasabi nyang destiny. Nalungkot ako sa kanilang pag iibigan.
Nabalitaan kong nakipag live in na ang kaibigan ko sabi ko nga bakit? Na
sabi ko bakit ka pumayag sumuko ka nab a? sabi nya hindi pa kaya nga
hindi sya nagpakasal dahil hindi pa sya sumusuko naisip lang nya ang mga
sinasabi ng kapatid nya na ayusin ang buhay at matanda na, lagi nga
nyang tinatanong na masama ba raw syang tao dahil sa hindi nya
pagpapakasal? Ang sabi nya hindi daw siya nagpakasal ng ilang taon dahil
sa iisang babae lang daw nya ibibgay ang sagradong kasal na yun, dahil
umaasa pa siya na sa huli sila parin ng destiny nya ang magkakatuluyan
at magkakasama habang buhay. Hangan sa isang araw nag ring ang telepono
nya at bigla syang natulala at di makapagsalita ng marinig raw nya ang
dati nyang kasintahan na nagpapaalam na at magpapakasal na sa isang
dayuhan na sa internet lang nakilala, hindi raw siya makapag salita at
walang maisip kungdi pag sisisi dahil bakit ba ngyari ang mga bagay na
ito, dahil sa isang pagkakamali na habang buhay na naka marka na sa
pagkatao nya at umukit ng kanyang sariling destiny ngayon. Ilang panahon
ding di ko nakausap ng matino ang kaibigan kong ito, hindi kasi normal
sa kanya ang malungkot, dahil masayahing tao ang kaibgan kong yun kahit
madaming problema. Pagkalipas ng dalawang taon nabalitaan ko sa kanya na
magpapakasal na raw sya, sabi ko teka bakit baka dimo naalala yung
sinabi mong sa akin na sa isang babae lang nakalaan ang sagradong kasal
na yun, sabi nya para saan pa eh kasal na rin ang babaeng minahal nya
katumbas ng buhay nya. Itutuon nalang daw nya ang kanyang buhay sa
kanyang anak, nalungkot ako at naiyak bakit nangyari ang ganung bagay
kala ko ba may destiny. sa isip ko hindi ko rin masisi siguro ang
pagkakataon dahil nagging marupok sya, nasubaybayan ko ang pagmamahalan
nila kapag nakikita ko sila parang isa silang huwarang magkasintahan na
napakasaya at mararamdaman mo ang salitang pagmamahal sa kanilang
dalawa. Pero bakit nagkaganun, naisip ko tuloy yung quotation na “your
decision will dictate your future” oo nga sa isang maling decision na
nagawa ng kaibigan ko, binago nito lahat ang kanilang buhay kahit na ang
salitang destiny. malungkot na ang buhay ng kaibigan ko pero bilib pa
rin ako sa kanya kasi di nya sinira ang buhay nya at pinipilit maging
isang mabuting ama at asawa kahit na alam ko at di nya maikakaila na
iisa pa rin ang laman ng puso nya at kahit kailan daw hindi na mawawala
yun dahil hindi man natupad at nangyari ang destiny sa kanya sa puso nya
iisa lang daw ang kanyang destiny. Destiny na isip ko tuloy yung
kahulugan ng destiny eto raw yung mga kurso o kaganapan sa buhay ng tao
na walang kakayahan ang tao para ma bago ito, pero bakit dahil sa isang
pag kakamali ng kaibigan ko inikot nito ang buhay nya ng halos ilang
ulit para lang hindi matuloy ang pinaniniwalaan nyang destiny. para sa
akin totoo talaga ang destiny, pero may parte ka para mag iba ang
destiny mo kaya nga sabi always live your life to God’s will and
according to his plans and you may fulfill and achieve your true DESTINY.
Subscribe to:
Comments (Atom)